510
Panelo: Prangkisa ng ABS-CBN nakasalalay sa Kongreso, 'di kay Duterte
By

ABS-CBN hina-harass ng gobyerno – CDO rep

Mistulang pangha-harass umano ng gobyerno laban sa ABS-CBN

ang plano ng Office Of The Solicitor General na paghahain ng petisyon sa Korte Suprema para bawiin ang prangkisa ng nabanggit na television network.

Ayon ito kay Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez kasabay ng panawagan nito kay Solicitor General Jose Calida na sa
Mababang Kapulungan ng Kongreso ito maghain ng anumang reklamo laban sa naturang TV network.

“If Calida files a quo warranto case against the network with the Supreme Court, it would ‘be seen as the government’s harassment of ABS-CBN and certainly a clear assault on press freedom as enshrined in our Constitution’,” ayon kay Rodriquez.

Ito aniya’y lantarang panghihimasok sa kapangyarihan ng legislative branch na paglabag sa constitutional doctrine ng separation of powers sa legislative, executive at judicial branches ng pamahalaan.

Paliwanag ng kongresista, sa ilalim ng Konstitusyon, ang pagbibigay ng prangkisa sa broadcasting entities ay eksklusibong nasa kapangyarihan ng Kongreso.

Bagama’t kinikilala naman ng kongresista ang kapangyarihan ng solicitor general na maghain ng quo warranto case gayunpaman, marami na umanong nakabinbing panukala sa Kamara kabilang ang House Bill 5705 na nagpapalawig sa prangkisa ng ABS-CBN kung kaya’t hayaan na lamang umano ang Kongreso na gawin ang trabaho nito partikukar ang pagdinig sa panukala.

“If Calida pushes through with his plan, he would be disrespecting and denying due courtesy to Congress,” dagdag ni Rodriquez.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?