243

Feb 14, 2020 @ 15:49
By

ABS-CBN bias! Cayetano kalma lang sa franchise renewal

Inakusahan ni House Speaker Alan Peter Cayetano na bias ang ABS-CBN kaya dinidinig sa Kongreso ang kanilang franchise renewal na mapapaso na sa Marso 2020.

Walang doubt na institusyon ang ABS-CBN. Walang doubt na napakalaki ng naitulong sa ating bansa. Pero wala ring doubt na may mga issues, kaya nga sinabing ABias-CBN,” ayon kay Cayetano.

Paliwanag pa ni Cayetano, hindi umano nila prayoridad ang franchise renewal ng ABS-CBN lalo’t may mas mahalaga pang mga bill na dapat pag-usapan.

Ayon pa, kung magsimula na ang pag-usisa sa ABS-CBN franchise renewal ay magpopokus ang mga kongresista sa nasabing bill dahil nais nilang makapagbigay ng opinyon ukol dito.

“Kung gusto kong mag-grandstand, papatawag ako ng hearing agad…Pero is it the right timing? Tayo ba lahat nasa right frame ng mind ngayon o may ma init ng ulo pa?”

“Hindi [ito] ganoon ka-urgent. Bakit? Kasi hanggang March 2022, pwedeng mag-operate,” saad nito.

Paliwanag ni Senate President Vicente Sotto III at Rep. Tonypet Albano na kahit mag-expire ang prangkisa ng ABS-CBN sa March 2020, ay pwede pa silang mag-operate hanggang 2022 sa pagtatapos ng 18th Congress hanggang may bill para sa kanilang renewal.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?