990

By

ABS-CBN Ball 2019: Darna, Iking mga ‘real-life superhero’! – Netizen

Magkaiba man ng desisyon sa naganap na ABS-CBN Ball 2019, pareho namang pinagpugayan ng mga netizen sina Angel Locsin at Francis Magundayao.

Pinuri ng ilang mga tao ang desisyon ni Angel na hindi sumipot sa nasabing pagtitipon, at sa halip ay direktang nag-donate sa Bantay Bata 163–ang programang paglalaanan ng perang malilikom sa Ball.

Samantala, humanga ang marami nang dumalo si Francis na suot ang kanyang adbokasiya: ang pagsuporta sa mga magsasakang Pilipino.

Tampok sa damit ng aktor, na dinisenyo ni Paolo Baltazar, ang mga tunay na palay at kulay ng watawat bilang simbolo umano ng pagkilala ni Francis sa sipag at tiyaga ng mga lokal na magsasaka.

Matatandaang naging magkatrabaho sina Angel at Francis sa fantaseryeng “Darna” ng GMA 7 noong 2005, kung saan sidekick ni Narda/Darna (Locsin) si Iking (Magundayao).

Umani ng papuri ang dalawa, at tinuring pang mga “real superhero.”

“Darna and Iking real superheroes. (Angel and Francis) huhu i stannn,” ayon kay @voncarlovela .

“Pinalaking mabuting bata ni Darna si Iking. (emoji: puso) Nothing beats the OG Darna Angel Locsin and the OG sidekick Francis Magundayao (emoji: umiiyak na mukha),” sambit ni @aikoloks .

“Iking and Narda/ Darna (2005) were #ABSCBNBall2019’s true highlights,” saad naman ni @giovanguarino .

“I salute and stan them both (emoji: pumapalakpak, nakataas na mga kamay) Angel Locsin (emoji: nakangiting mukha na may halo) and Francis Magundayao (emoji: mukha ng lalaki, palay) #ABSCBNBall2019,” sey naman ni @hermeanne .

“Yaaaaas, Iking! Darna would be proud,” sabi naman ni @TheSuperKim .

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?