134

By

Abogado ka, kaya mo ‘yan! – Panelo kay Robredo bilang co-chair ng anti-illegal drug committee

Ito na ang pagkakataon ni Vice President Leni Robredo para ipakita ang kakayahan sa paglutas sa problema sa iligal na droga sa bansa.

Inihayag ito ni Presidential Spokesman Salvador Panelo matapos lumabas ang memorandum ni Pangulong Rodrigo Duterte na nagtatalaga kay Vice President Robredo bilang Co-Chairperson ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs.

Sinabi ni Panelo na nasa kamay na ng Pangalawang Pangulo ang bola kung paanong diskarte ang gagawin para magtagumpay sa kampanya kontra iligal na droga.

Binati ng kalihim ang Pangalawang Pangulo, at ito na aniya ang pagkakataon nito para ipakita ang galing nito sa paglutas sa drug problem sa bansa.

“The President has appointed her and its now her call whatever she wants to do with it. My message will be congratulations! This is your time, this is your moment,” ani Panelo.

Nasa Bise Presidente na aniya kung ipagpapatuloy ang Oplan Tokhang o hindi at bahala ito kung gustong palitan ang sistemang ginagawa ngayon ng mga law enforcement agency.

“The Vice President is bright enough I think, she’s a lawyer and she can do it… Oplan Tokhang? when she assumes office, it will be the one occupying the post, which means her or the VP that will be giving directives. She can either continue with what present agencies are doing or she could change it, it’s her call, ” dagdag pa ni Panelo.

Hinihintay aniya ng Malacanang ang magiging katugunan ni Vice President Robredo kung tatanggapin ang posisyong ibinigay sa kanya ng Presidente.

Sakaling hindi tanggapin ni Robredo, sinabi ni Panelo lumilitaw na lahat ng kritisismo nito sa anti-drug war ay walang basehan .

“If she will not accept the post, then it means that all her criticisms are for bluff and have no basis at all. Because if you are saying the administration’s drug war is ineffective, then you must have something in your mind to make it effective. If you are given the opportunity to show your mettle and you don’t grab it, what does it mean?” wika pa ni Panelo.

Nilinaw din ng kalihim na cabinet post ang alok na posisyon sa Bise Presidente at welcome siya sa susunod na cabinet meeting sa Malacañang.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?