124
Abogado itinumba sa labas ng mall sa Davao
By

Abogado itinumba sa labas ng mall sa Davao

Isa na namang abogado ang binaril at napatay sa labas ng mall sa Tagum City, Davao del Norte, Miyerkoles ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Rex Jasper Lopoz, 41, at residente ng Purok 9, Nabunturan, Compostela Valley.

Batay sa inisyal na report, pasakay na umano ang biktima ng kanyang sasakyan nang bigla itong humandusay sa kalsada.

Agad siyang dinala ng kanyang kasama na si Daddy Santos sa Bishop Joseph Reagan Hospital sa pag-aakalang inatake ito sa puso.

Pero may nakitang gunshot wound sa likod ng biktima ang doktor na sumuri rito.

Ayon sa salaysay ng security guard na nasa entrance ng mall, nakarinig siya ng isang putok ng baril at nakita ang pagtumba ng biktima.

Matatandaang noong nakaraang Setyembre 2018 nang patayin din si Atty. Connie Villamor sa naturang lungsod ng dalawang ‘di pa nakikilalang salarin na sakay ng motorsiklo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?