67

By

Abogada, gumasta ng milyon para maging kamukha si Meghan Markle

Sumailalim sa plastic surgery ang isang abogada para ipagaya ang mukha niya kay Duchess of Sussex Meghan Markle.

Sa report ng Insider, kabilang sa isinagawa kay lawyer Xochytl “Xochi” Greer, 36, taga-Houston, Texas, ang liposuction at fat grafting sa kanyang katawan at rhinoplasty at fillers para naman sa kanyang mukha.

Masaya umano si Greer sa naging resulta ng operasyon na nakapagpadagdag umano sa self-confidence niya.

“I think I got exactly what I wanted out of it,” ani Greer. “The changes are subtle, yet just enough to give me that extra boost of confidence.”

Nasa $30,000 o nasa mahigit P1.5 milyon umano ang ginastos ni Greer para sa operasyon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?