124

By

Abby Binay no show sa proklamasyon bilang Makati Mayor

Pormal nang idineklara si reelectionist Abby Binay bilang alkalde ng Makati sa ikalawang termino matapos pumasok ang lahat ng boto.

Malayo ang lamang ng nakatatandang Binay sa kanyang kapatid na si Junjun, nakakuha ng 179,522 votes kontra sa 98,653 ng kanilang bunso.

Gayunpaman walang anino ng mga Binay ang dumating sa Makati Coliseum para sa proklamasyon.

Natalo naman ang kanyang ama na si ex-VP Jojo Binay kay Romulo ‘Kid’ Peña para sa pagka-kongresista ng Makati 1st District.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?