179

By

Abby Binay muling namigay ng ‘Air Binay’ shoes

Inumpisahan ni Makati Mayor Abby Binay ang pamimigay ng sapatos sa 90,000 estudyante sa pampublikong paaralan noong nakaraang taon at muling namahagi nito ngayon.

Sumikat ang naturang sapatos nang nakaraang taon at tinawag ito ng mga estudyanteng ‘Air Binay’ dahil sa catchy design na nahahawig sa Nike Air product line.

Muling namahagi si Mayor Binay ng mga bagong sapatos sa Francisco Benitez Elementary School at apat pang ibang eskwelahan nitong Miyerkoles, Pebrero 6.

Bentang-benta na naman sa mga estudyante ang naturang sapatos na ngayon ay tinawag ng mga itong Air Binay 2.0.

“The design was changed many times because I want to feel proud when I and my daughter wear these ourselves,” saad ni Binay.

Dagdag pa ni Binay nais niyang maging proud ang mga estudyante habang suot ang mga sapatos na mula sa pamunuan ng Makati.

Noong nakaraang taon ay kulay puti at electric blue ang mga sapatos ngunit reklamo ng mga bata ay madali itong madumihan kaya naisipan ni Binay na i-redesign ang mga sapatos ay gawing gray ang kulay ng body habang blue at white naman ang rubber soles.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?