207

Oct 15, 2018 @ 11:32
By

Abby Binay humingi ng tsansa kay Junjun

Naging emosyonal si Makati Mayor Abigail ‘Abby’ Binay at umapela sa kanyang kapatid na si ex-Makati Mayor Junjun Binay na bigyan siya ng tsansa.

“This will divide our family even after the election,” ani Abby sa interview ABS-CBN News ‘Headstart’.

“Through all the joy and the sorrow, I’ve been with him. And all the crises that he has been through, personally and politically, I was with him. I was standing up for him… Ate ako e, ‘di ba? Sana bigyan niya ako ng chance. Chance. Yun lang,” dagdag pa ni Abby na pinipigilan ang emosyon.

“He will have his turn, he had his turn,” dagdag pa niya.

Pag-uusapan pa umano ng kanilang pamilya kung ano ang magiging hakbang para malaman kung sino sa kanilang dalawa ang tatakbo sa pagka-alkalde ng nasabing lungsod.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?