1,009

Abante, Ely Buendia biktima ng fake news

Nitong Miyerkoles, Setyembre 11, ay lumabas ang isang Facebook post ukol sa umano’y naging tugon ng dating Eraserheads frontman na si Ely Buendia sa isyung kinasasangkutan ng dating gitarista ng banda na si Marcus Adoro.

Nakaabot ang naturang social media post kay Buendia at kinontra ang nasabing pahayag, sinabing hindi nanggaling ang statement sa kanya.

Sa nasabing post ay makikita ang logo ng Abante na nakalagay sa nasabing poster.

Nilinaw ng Abante na ‘fake news’ at hindi galing sa pahayagan ang nasabing social media post.

Sa bawat artikulo ng Abante ukol kay Adoro, walang nakasaad na statement si Buendia ukol sa nasabing isyu.

Marcus Adoro ng Eraserheads binugbog ang partner?

Anak ni Marcus Adoro ng E-heads magsasalita na rin

Bawat content na inilalabas ng Abante ay sinasalang mabuti, alinsunod sa tamang pamamahayag.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?