107
Abangan! Davao Mayor Sara bukas sa pagka-Pangulo sa 2022
By

Abangan! Davao Mayor Sara bukas sa pagka-Pangulo sa 2022

Aminado si Davao City Mayor Sara Duterte na bukas siya sa posibilidad na tumakabo bilang susunod na Pangulo ng bansa sa taong 2022.

Sa isang panayam nitong Lunes pagkatapos ng proclamation rally ng mga pambatong senatorial bet ng Hugpong ng Pagbabago (HNP) sa Lungsod ng Vigan, sinabi ni Mayor Duterte na magpasa hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nakaka-pagpasya kung tuluyan na nga ba niyang susundan ang yapak ng kanyang amang si Pangulong Rodrigo Duterte, subalit tataningan na umano niya ang kanyang sarali hanggang Enero ng 2021 kung sasabak ba siya o hindi sa 2022 Presidential Elections.

“Depende sa circumstances. Siguro gawa nalang tayo ng deadline on January 2021,” sabi ni Duterte.

Hindi ito ang unang beses na nagpahapiyaw ang Presidential daughter ukol sa mga susunod niyang plano sa politika lalo na at mahigit sa tatlong taon na lamang ang termino ng kanyang ama sa Malacañang.

Paliwanag pa ng alkalde, ang halalang pampanguluhan ay nangangailangan ng sapat na paghahanda, hindi lamang sa aspestong pisikal at isipirtiwal kundi maging sa usaping pinansyal.

“Yung pagtakbo kasi ng Presidente, hindi yan overnight na desisyon. It needs money, machinery, and importante sa lahat is yung wisdom and guidance ng Diyos dahil magiging mahirap yan kung hindi para sayo yan at magiging madali lang yan kung intended ng Diyos para sayo,” paliwanag ni Mayor Duterte.

Noong isang linggo, inamin ng nakababatang Duterte na taimtim siyang nananalangin at humihingi ng gabay mula sa Maykapal kung ano man ang magiging susunod niyang hakbang sa larangan ng politika.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?