41

By

Abando, UST kinulang kontra Ateneo

Sa laro ng dalawang unbeaten team sa UAAP Season 82, nakalusot ang defending champions Ateneo kontra UST, 71-70, Miyerkoles ng tanghali sa Smart Araneta Coliseum.

Sa nasabing laro, depensang malalinta ang pinamalas ng Blue Eagles, nawala ang angas ng ng Growling Tigers sa huling 3:40 minuto ng laban, bago nakapagsalpak ng tres si Renzo Subido.

Sinalba ng Ateneo foreign player na si Ange Kouame matapos lumamang ang UST, pinasok ang isang tip-in, 68-67, bago blangkahin ang tira ni UST import Soulemane Chabi Yo sa huling 20 segundo.

Tumapos si Thirdy Ravena nang may 17 points, 10 rebounds, at tig-dalawang assists at steals, habang may 11 markers, 10 boards naman si Kouame para simulan ang kampanya sa 3-0 standing.

“We understood that game was going to be a really tough game. I feel fortunate we won the game. That’s the kind of game that you can credit the team as much as you want, talk about character, and all of that, but I think that every applaud you give your team, you give the other. That could have gone either way,” ayon kay Ateneo coach Tab Baldwin.

Si Chabi Yo naman ang nanguna para sa UST, may 25 points at 13 rebounds, habang may tig-siyam na puntos naman sina Rhenz Abando, Mark Nonoy at Subido.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?