77

By

Abando nagpasalamat sa swerte

Muling kinapitan ng UST Growling Tigers ang pangmalakasang laro ni rookie Rhenz Abando kontra NU Bulldogs nitong Linggo sa UAAP Season 82 men’s basketball tournament.

Pinaramdam ni Abando ang bangis ng Growling Tigers sa come-from-behind victory 87-74, via overtime, laban sa Bulldogs.

Humataw si Abando ng 21 points, anim na rebounds at dalawang assist para sa 3-1 win-loss record ng koponan.

“Buti sa last quarter at overtime, sinapian kami ng swerte,” sabi ni La Union native Abando.

Kwento naman ni UST head coach Aldin Ayo patungkol kay Abando. “He just has to play his game. Hayaan lang niyang dumating sa kanya ‘yung laro at huwag niyang hanapin ‘yung laro niya,” sabi ng coach.

“Alam namin kung gaano siya ka-talented and skilled. ‘Yun lang, kailangan lang niya maglaro ng laro niya at huwag niyang pipilitin.”

Sunod na makakatapat ng UST Growling Tigers ang Adamson Soaring Falcons sa Miyerkoles, Setyembre 18.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?