227

By

Abando binuro sa bench, Ayo walang imik

Hindi klaro kung bakit hindi pinasok si Rhenz Abando sa laban ng University of Santo Tomas kontra University of the Philippines sa UAAP Season 82.

Nang makausap si UST mentor Aldin Ayo tungkol dito, hindi nito sinabi kung ano ang naging dahilan ng benching sa rookie forward.

“Right now, I’m not gonna comment regarding that,” ayon kay Ayo.

Naka-street clothes lamang si Abando at pumwesto lamang sa likod ng bench sa kanilang naging laro.

Nakakapagtaka lalo’t na isa si Abando sa mga pangil ng Gowling Tigers, nag-aaverage ng 11.8 points, 5.0 rebounds, 1.3 blocks at 1.1 assists.

Umiwas din sa mga reporter si Abando matapos ang laro.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?