65

By

96% ng suplay ng tubig, naibalik na ng Manila Water

Naibalik na ng Manila Water ang suplay ng tubig sa mga lugar na siniserbisyuhan nito.

Sa abiso ng kumpanya, naibalik nila nang mas mabilis ang serbisyo ng tubig kumpara sa mga nauna nilang projection.

Inamin naman ng Manila Water na may ilang lugar pa rin ang kinakailangang rasyonan ng tubig kabilang ang ilang lugar sa Taguig, Pasig, Mandaluyong, Quezon City at Rodriguez sa Rizal.

Muli namang humingi ng paumanhin ang kumpanya sa nangyaring problema sa suplay ng tubig.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?