53

Sep 25, 2019 @ 13:27
By

9 umano’y NPA sumuko sa Cagayan

Sumuko ang siyam na hinihinalang miyembro ng Milisya ng Bayan (MB) ng New People’s Army (NPA) sa mga awtoridad sa bayan ng Gonzaga, Cagayan kahapon, Setyembre 24, 2019.

Giniit ng Gonzaga Police Station (GPS) bitbit ng umano’y MB ang pitong iba’t ibang klase ng baril, dalawang hand grenade at mga live ammunition.

Ayon sa Police Regionale Regional Office-2 (PRO-2) ang mga diumano’y nagbalik-loob na mga MB ay binubuo ng walong kalalakihan at isang babae sa nasabing lalawigan.

Ayon sa PRO-2, ang mga sinususpetsahang rebelde ay sasailalim sa debriefing at psychosocial intervention at benepisyaryo ng Expanded Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP).

Pinuri ni PRO-2 regional director, P/Brig. Gen. Jose Mario Espino ang umano’y pagsusumikap ng tropa ng pamahalaan sa pagsuko ng mga diumano’y rebelde.

Kahirapan sa buhay at pagkagutom ang mga dahilan ng mga diumano’y sumukong rebelde kaya sila bumaba sa bundok.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?