35

By

9 Pinoy kinidnap ng mga pirata sa Africa

Kinukumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang insidente ng kidnapping sa siyam na Pinoy sa Benin nitong Linggo.

Sinabi ng DFA, kailangan munang iberipika muna nila ang insidente bago aniya sila maglabas ng opisyal na pahayag hinggil dito.

Ayon pa sa DFA, wala aniyang embahada ang Pilipinas sa lugar ng pinangyarihan ng kidnapping.

Kung kaya’t ginagawan nila ng paraan para makipag-ugnayan sa embahada ng Pilipinas sa Abuja, Nigeria at sa kanilang network.

Lumalabas sa report, na siyam na tripulanteng Pinoy ang kinidnap ng mga pinaniniwalaang grupo ng mga pirata habang naghihintay ang mga ito sa port of Cotonou sa Benin nitong Linggo, ayon ito sa mga port authority.

Kaya’t ngayon ay patuloy pa rin nakikipag-ugnayan ang DFA sa embahada ng Pilipinas sa nasabing bansa hinggil dito sa napaulat na pagdukot sa mga tripulanteng Pinoy.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?