19
9 kaso ng pagkalunod, naitala ngayong Abril
By

9 kaso ng pagkalunod, naitala ngayong Abril

Sa loob lang ng limang araw nitong buwan, nakapagtala agad ang Philippine National Police (PNP) ng siyam na insidente ng pagkalunod nationwide.

Bunga nito, patuloy na nagpapaalala ang pambansang pulisya sa mga Pilipino na naliligo sa dagat, sa swimming pool o sa ilog man na maging maingat.

Siguruhin din umanong may kasama na marunong lumangoy at alamin ang first aid station sa inyong pagliliguan.

Mula Abril 5-10, 2019, nakapagtala na ng kaso ng namatay dahil sa pagkalunod sa San Antonio, Zambales; Bagac, Bataan; Norzagaray, Bulacan; Rodriguez, Rizal; Claveria, Misamis Oriental; Biñan City, Laguna at Cantilan, Surigao del Sur.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?