245

Mar 26, 2020 @ 12:02
By

9 doktor pumanaw sa COVID-19 – PMA

Kinumpirma ng Philippine Medical Association na sa ngayon, siyam na doktor na sa kanilang hanay ang nasawi dahil sa coronavirus.

Ayon sa panayam sa dzBB kay PMA Assistant Secretary General Dr. Dennis de Guzman, ang mga nasabing doktor ay sina: Dr. Israel Bactol, Dr. Rose Pulido, Dr. Greg Macasaet III, Dr. Raul Jara, Dr. Henry Fernandez, Dr. Marcel Jauchico, Dr. Raquel Seva, Dr. Hector Alvarez at Dr. Sally Gatchalian.

“Nalulungkot ang komunidad ng mga doktor sa sunod sunod na pagpanaw ang aming mga kasamahan na frontliner rito sa pagresponde sa COVID-19,” ayon kay de Guzman.

Nanawagan ng tulong ang PMA na sana’y mabigyan sila ng karampatang mga personal protective equipment para hindi na madagdagan ang mga kaso ng doktor na nasasawi sa COVID-19.

Sa ngayon kasi ay ilan pang doktor ang nasa intensive care unit (ICU) at naka-ventilator dahil din sa naturang virus.

“We are hoping na hindi na madagdagan ang mga nawala pero baka madagdagan pa kasi kulang na kulang po ang PPE sa bawat ospital. Exposed po kami,” aniya pa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?