23

By

9 construction workers napusoy sa Pasig

Kulungan ang bagsak ng siyam katao matapos mahuli sa aktong nagsusugal ng pusoy sa loob ng construction site sa Barangay San Antonio, Pasig City, Linggo ng madaling araw.

Batay sa nakalap na ulat mula sa tanggapan ni Eastern Police District (EPD) Director PBGen. Johnson Almazan, nakilala ang mga suspek na sina Erwin Balinbing, 38; Marvin Pangilinan, 32; Ramil Belen; Elmer Deraya, 30; Jake Java, 36; Dennis Panganiban, 35; Harold Belen, 21; Lemuel Silvose, 59; at Jerley Roman, 43, pawang mga stay-in construction worker ng CE Construction Site na matatagpuan sa Sapphire Road, Ortigas Center sa nasabing barangay.

Bandang 12:35 ng madaling araw, Setyembre 22, 2019, nang maaresto ang siyam katao matapos ireklamo ng isang concerned citizen na may nagaganap na pasugalan sa loob ng construction site.

Agad na rumesponde ang Pasig Police at naaktuhan ang mga suspek na nagsusugal.

Nakumpiska mula sa mga trabahador ang isang set ng playing cards at bet money na nagkakahalaga ng P817.

Nahaharap sila sa kasong paglabag sa PD 1602 o Illegal Gambling Act at kasalukuyang nakakulong sa Pasig detention cell.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?