1,420

By

9-anyos na bata magtatapos na ng kolehiyo

Sa pinakaunang pagkakataon, magtatapos na ng kursong electrical engineering ang isang siyam na taong gulang na lalaki sa Disyembre 2019.

Bata pa lang, nakitaan na ng “gift” si Laurent Simons ng kanyang lolo, at napatunayan din ito ng kanyang mga guro na binibigyan siya ng sunud-sunod na pagsusulit upang malaman kung hanggang saan ang talento nito.

Kahit hindi pa rin mabatid ng mga magulang na sina Lydia at Alexander kung bakit sobrang bilis matuto ng lalaki na mula sa bansang Belgium at sa angkan ng mga doktor, may hinala ang nanay:

“I ate a lot of fish during the pregnancy,” saad ni Lydia sa CNN.

Hinayaan ng Eindhoven University of Technology (TUE) na matapos si Laurent nang mas maaga sa kanyang kurso, kumpara sa mga ibang mag-aaral.

Balak ni Laurent na magbakasyon sa Japan pagkatapos ng graduation.

Sa hinaharap, balak ng child prodigy na kumuha ng PhD sa kursong electrical engineering, habang nag-aaral din sa kursong medisina, saad ni Alexander sa CNN.

May tiyak na plano na rin ang 9-anyos na bata sa gusto niyang mangyari sa buhay: mag-develop ng artificial organs.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?