23

By

885 huli sa paglabag sa mga ordinansa sa EPD

Umaabot sa 885 ang nahuli sa magdamagang crime operations kaugnay sa mga residenteng hindi sumusunod sa ordinansang ipinatutupad ng pamahalaang lokal na sakop ng mga lungsod ng Pasig, Mandaluyong, Marikina at San Juan.

Ayon kay Eastern Police District (EPD) Director PBGen. Christopher Tambungan, patuloy ang pagsasagawa ng SACLEO ng kanilang mga tauhan.

Batay sa report, nasa 128 katao ang naaresto sa smoking ban, 21 ang nahuli dahil sa walang damit pang-itaas, lima dahil sa pagala-gala sa kalsada at nasa 731 sa iba pang paglabag sa batas.

Sa kabuuan, nasa 565 mga pasaway ang nahuli sa Pasig City, 280 ang arestado sa Mandaluyong Police, 17 katao ang nahuli sa Marikina habang nasa 23 katao ang inarestong pasaway sa San Juan City.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?