34

By

87% ng Pinoy, nais igiit ng PHL ang karapatan sa WPS

Karamihan ng mga Filipino naniniwalang dapat igiit ng gobyerno ang karapatan ng bansa sa West Philippine Sea (WPS) batay na rin sa naging ruling ng Permanent Court of Arbitration noong 2016.

Batay sa Social Weather Stations (SWS) survey na inilabas kasabay ng ikatlong anibersaryo ng pagkakapanalo ng Pilipinas laban sa China sa claim sa South China Sea, 87% ang “agree” habang 63% ang “strongly agree” at 24% naman ang “somewhat agree” na ipaglaban ang karapatan sa WPS.

Samantala, katiting na 5% ang nagsabing “disagree” habang 8% ang “undecided”.

Isinagawa ang survey ng June 22-26, 2019 gamit ang face-to-face interviews sa 1,200 adults nationwide.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?