179

By

81 sa 212 lindol ng Bulkang Taal naramdaman

Sinabi ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) na hanggang ngayong Martes ng madaling araw, 81 na sa kabuuang 212 na lindol na dinulot ng pag-aalburoto ng Bulkang Taal ang naramdaman ng publiko.

Mayroon aniyang kaakibat ang mga ito na Intensity I hanggang V na naranasan sa Tagaytay City, Cavite.

Bukod kasi sa binugang lava fountain kahapon, Enero 13, patuloy na naglalabas ang bulkan ng 2-kilometrong taas na column ng usok at abo, ayon sa kanilang 8 am bulletin ngayong Martes.

Kaya naman nagbabala ang Phivolcs sa mga residente ng isla na huwag munang magsibalik sa kanilang mga tahanan at lumayo nang hanggang 14-kilometrong radius mula sa bulkan, dahil nakataas pa rin sa Alert Level 4 ang Taal Volcano at posible pa ring magbuga ng “hazardous explosive eruption” sa loob lamang ng ilang oras o araw.

Higit 20,000 katao na ang nilikas simula noong Linggo, kung kailan nagbuga ng usok at abo ang Taal Volcano.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?