13
Laban kontra droga, muling susuriin ng PDEA
By

8 swak sa P165K shabu sa Malabon

Arestado ang walong sangkot sa iligal na droga sa isinagawang magkahiwalay na drug buy-bust operation sa Malabon City.

Nagsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Malabon Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU), sa pangunguna ni PCPT Johnny Baltan sa ilalim ng pangangasiwa ni Col. Jessie Tamayao, sa Dr. Lascano St., Barangay Tugatog bandang alas-10:00 ng gabi, Enero 13.

Naaresto sina John Paul Dela Cruz alyas “Paulo,” 25-anyos; Aurelio Abulencia alyas “Bong,” 53-anyos; Norman Paltao alyas “Pogi,” 51-anyos, at Angelica Mahinay, 22-anyos, matapos bentahan ng isang sachet ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na poseur-buyer kapalit ng P500 marked money.

Nakumpiska sa mga suspek ang humigit-kumulang 23 gramo ng shabu na nasa P156,400 ang street value, at buy-bust money.

Bandang alas-5:00 naman ng hapon nang magsagawa ng foot patrol ang mga tauhan ng PCP-8, sa pangunguna ni PCPT. Carlos Cosme Jr., sa Paradise Village, Barangay Tonsuya nang masunggaban nila sina Rene Bautista Jr., 21-anyos; Angelica Cruz, 21-anyos; Emilio Duquilla, 19-anyos, at Patrick Vere, 19-anyos, matapos makitang pinaghahambing ang apat na plastic sachet ng shabu na nasa P8,772 ang street value.

Kasalukuyang nakakulong ang mga suspek sa Malabon detention cell.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?