225

By

8 sasakyan inararo ng 65-anyos na driver sa Makati

Walo ang sugatan matapos banggain ng SUV ang hanay ng mga tricycle at iba pang sasakyan sa Jacinto St., Brgy. Pitogo, Makati City ngayong Martes.

Ayon sa ulat, inararo umano ng Mitsubishi Montero kaninang alas-nuwebe ng umaga ang apat na tricycle, tatlong motorsiklo at isang kotse sa nabanggit na barangay matapos mawalan ng kontrol ang 65-anyos na babaeng driver ng SUV na kinilalang si Angelita Tuvera.

Dinala na umano sa barangay ang driver ng sasakyan.

Kasalukuyan na umanong iniimbestigahan ang insidente.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?