51
8 patay sa pamamaril sa eskuwelahan sa Brazil
By

8 patay sa pamamaril sa eskuwelahan sa Brazil

Walo ang nasawi sa nangyaring school shooting nitong Miyerkoles sa Sao Paulo, Brazil.

Ayon sa CNN report, dalawang armadong lalaki na nakasuot ng hoody ang pumasok sa State School Raul Brasil at basta na lang namaril ng mga estudyante at staff.

Anim na mag-aaral at dalawang opisyal ng paaralan ang nasawi sa insidente habang mahigit 10 pa ang sugatan.

Matapos umano ang ginawang pamamaril ay nagpakamatay sa corridor ang dalawang salarin.

Samantala, nagdeklara naman si Sao Paulo Gov. Joao Doria ng tatlong araw na “days of mourning” dahil sa nangyari.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?