108
ABANTE new delhi india
By

8-month old baby, kritikal nang gahasain ng pinsan sa India

Kritikal ang kondisyon ngayon ng isang 8-month old na sanggol na babae matapos umanong gahasain ng kanyang pinsan sa Delhi, India.

Naaresto na ang suspek na 27-anyos na pinsan ng sanggol at kinasuhan ng paglabag sa Protection of Children from Sexual Offences Act, kung saan maaari siyang mahatulan ng habambuhay na pagkakulong.

Itinakbo ng kanyang mga magulang sa ospital ang sanggol nang makita ang mga dugo sa kama nito nang umuwi sila galing sa trabaho noong Linggo.

Sumailalim ang sanggol sa tatlong oras na operasyon at kasalukuyang isinasailalim sa obserbasyon. (AFP)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?