92
ABANTE lito atienza uson to the rescue
By

8 gabinete umeepal sa speakership race – Atienza

Binunyag ni Buhay Party-list Rep. Lito Atienza na may walong Cabinet member ang umano’y nakikialam sa speakership race sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Sa forum sa Quezon City nitong Sabado, inihayag ni Atienza na batay sa kwento ng kanyang informant, term sharing sa pagitan nina Rep. Alan Peter Cayetano at Rep. Lord Alan Velasco ang isinusulong ng Cabinet secretaries.

“The effort is condemnable. Do not meddle with the problem of choosing a speaker. Thats none of your business. I’m addressing myself to members of the Cabinet who are interested seemingly kung sinong magiging Speaker,” ani Atienza kung saan isa aniya rito ay si Department of Transportation (DOTr) Sec. Arthur Tugade.

Sa panayam naman kay Tugade ay mariin niyang itinanggi ang akusasyon ni Atienza at sinabing abala siya sa kanyang trabaho bilang DOTr secretary.

Hiningan na rin ng pahayag ang iba pang Cabinet secretaries na nabanggit ni Atienza pero wala pa silang tugon hanggang sa oras na ito.

Una dito ay nabatid na umatras na si presidential son at Davao City Representative Paolo Duterte sa pagka-Speaker ng Kamara matapos na makausap ang amang si Pangulong Rodrigo Duterte at napagkasunduan na hindi pa ito ang tamang panahon para maging Speaker siya.

Bilang presidente aniya ng Hugpong sa Tawong Lungsod ay susuportahan umano ni Pulong ang speakership bid ni Davao City Representative Isidro Ungab mula sa kanilang sister party na Hugpong ng Pagbabago.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?