33
735 dinampot na pasaway sa EPD
By

735 dinampot na pasaway sa EPD

Umaabot sa 735 mga pasaway ang nahuli sa magdamang crime operations ng ikinasang Simultaneous Anti Criminality Law Enforcement (SACLEO) kaugnay sa paghuli sa mga residenteng hindi sumusunod sa ordinansang ipinatutupad ng pamahalaang lokal na sakop ng mga lungsod ng Pasig, Mandaluyong, Marikina at San Juan.

Ayon kay Eastern Police District (EPD) Director PBGen. Christopher Tambungan, patuloy ang pagsasagawa ng SACLEO ng mga tauhan ng Eastern na ikinakasa sa magdamagang operation na nagtapos kahapon ng umaga.

Batay sa report, nasa walo katao ang inaresto sa drinking in public places, nasa 116 katao ang arestado sa smoking ban, 23 ang huli sa kasong half naked o walang damit pang-itaas na kadalasang lalaki ang nahuhuli, 15 ang nahuling kabataan na pagala-gala sa kalsada at nasa 573 ang nahuli pa sa ibang paglabag sa batas.

Sa kabuuan, nasa 419 mga pasaway ang nahuli sa Pasig City, 241 ang arestado ng Mandaluyong Police, 33 katao ang nahuli sa Marikina habang nasa 42 katao ang inarestong pasaway sa San Juan City.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?