25

By

70 patay sa Lassa fever sa Nigeria

Dumadanas din ng epidemya ang Nigeria.

Ayon sa mga awtoridad sa Aljazeera report, tumaas ang bilang ng kaso ng disease sa 1,708 mula sa 700.

Batay sa National Centre for Disease Control, walo pa ang nadagdag sa mga namatay mula sa Lassa fever sa Ondo, Delta at Kaduna states.

Kaya ang death toll dahil sa outbreak ng Lassa fever ay umabot na sa 70 katao.

Nasa 23 sa 36 states naman sa bansa ang apektado, na karamihan ay sa southern states ng Ebonyi, Edo at Ondo.

Naililipat umano ang Lassa fever sa pamamagitan ng laway, ihi at tae ng daga.

Kapareho ang sintomas nito sa malaria.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?