42

By

7 tindahan na mahal magbenta ng face mask, kakasuhan ng DTI

Mananagot sa Department of Trade and Industry (DTI) ang pitong tindahan sa Maynila na overpriced ang mga face mask.

Ayon sa DTI, kanilang kakasuhan ng profiteering at pagbabago ng presyo ang pitong tinadahan, at imumungkahi din sa Manila City Hall na ipasara na ang mga mapamantalang tindahan.

Nalaman ng DTI na sumirit sa P150 ang presyo ng mga face mask sa Bambang, kaya naman nais magtakda ng suggested retail price para mapigilan ang pagtaas ng presyo.

Samantala, pinabatid naman ni UP Institute of Environmental Science and Meteorology associate professor Dr. Gerry Bagtasa na hindi na kailangan ng face mask sa Metro Manila dahil wala na ang pangamba ng ash fall dito.

Matapos pumutok ang bulkan ay nag-hoard na nang mga face mask ang mga tao dahil sa banta ng ash fall.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?