169

By

7 pulis-Antipolo pinasisibak sa maanomalyang drug ops

Guilty ang hatol ng Philippine National Police-Internal Affairs Service (PNP-IAS) laban sa pitong pulis na pawang miyembro ng Antipolo Police Station na sangkot sa maanomalyang drug operation noong Mayo 4, 2019.

Dahil dito, inirekomenda ng PNP-IAS na tanggalin na sa pagka-pulis sina Police Master Sgt. Donald Duque; Police Master Sgt. Rommel Vital; Police Staff Sgt. Stephen Domingo; Police Corporal Romeo Guerrero Jr.; Patrolman Lester Velasco; at Patrolman Eduardo Soriano II dahil sa mga kasong grave misconduct, neglect of duty at conduct of unbecoming of a police officer.

Sabit din na masibak ang kanilang hepeng si Police Lt. Joven De Guzman, dahil sa command responsibility.

Ang report ng IAS ay isusumite kay PNP officer in charge Lt. General Archie Gamboa o sa office of the PNP chief kung saan ito ang magbibigay ng final decision sa sasapitin ng pitong pulis.

Napag-alaman na nag-ugat ang kasong administratibo ng mga nasabing pulis sa reklamo ng biktimang nakilalang si Arnold Gramaje Jr.

Pinasok umano ng pitong pulis ang bahay ni Gramaje nang walang search warrant at pinalabas ng mga ito na buy-bust operation ang nangyari.

Kinuha umano ng mga nasabing pulis ang halagang P30,000 na cash at ilang gadget sa loob ng bahay gayundin ang pagtatanim ng ebidensiya sa biktima.

Sina De Guzman, Roque, Vital at Guerrero ay kasama sa 13 “ninja cops” na nag-recycle umano ng shabu sa isinagawang drug raid sa Mexico, Pampanga noong Nobyembre 2013 kung saan nasabit si dating PNP chief General Oscar Albayalde sa isinagawang Senate hearing dahil ito ang Police Provincial Director ng panahong iyon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?