242

Apr 3, 2020 @ 15:30
By

7 Pinoy sa New York, patay sa COVID-19

Malungkot na binalita ng Philippine Consulate General sa New York na pitong Pilipino ang pumanaw sa siyudad dahil sa coronavirus disease 2019 o COVID-19.

“Nakalulungkot na 7 na sa ating mga kababayan ang nasawi dahilan sa sakit na ito,” ani Consul General Claro Cristobal sa isang pahayag.

Hindi naman idinetalye pa ni Cristobal ang tungkol sa mga biktima pero ang Filipino community aniya sa NY ang pinakamalaking grupo ng mga Pilipino sa Amerika sa 143,000 na nakabase roon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?