227

By

7 patay sa pagbagsak ng eroplano sa Canada

Namatay ang may pitong sakay ng eroplano matapos bumagsak sa kakahuyan sa Lake Ontario, Canada.

Sabi sa Hindustan Times report, limang Amerikano at dalawang Canadian ang nasawi sa nabanggit na light aircraft crashed.

Patungo sana ng Quebec City ang US-registered single-engine Piper PA-32 galing ng Buttonville Airport sa Toronto nang bumagsak ito habang papalapit sa Kingston, Ontario Airport noong Miyerkoles, Nobyembre 28.

Iniimbestigahan na ang insidente at hinahanap na ang flight recorder ng eroplano at nirerebyu na rin ang radio communications nito sa control towers.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?