5,616

By

7 kabataan na nawala sa Pasay, sangkot sa droga

Kinumpirma ng Pasay City Police nitong Martes na ang pitong sinasabing nawawalang kabataan sa lungsod ay pawang mga sangkot sa droga at sa iba pang kaso.

Ayon kay Police Col. Bernard Yang, hepe ng Pasay City Police, kabilang ang pito sa sampung sunod-sunod na napaulat na nawawalang kabataan.

“Posibleng nagka-onsehan sa droga ang mga biktima kaya’t ito ay dinukot ng hindi pa nakikilalang mga salarin na isinakay sa isang Hi-Ace van na kulay puti,” ani Police Col. Yang.

Nauna nang ini-report ng Pasay City Police na ang pitong kabataan na nawawala ay mga missing person.

Ito’y matapos na lumutang sa kanilang tanggapan ang mga magulang at nagbigay ng pahayag sa pagkawala ng kani-kanilang mga anak.

“Pito lamang po ang nag-confirm na nawawalang kabataan dito sa lungsod, ito po ay sinasabing sangkot sa droga at ngayon po ay nagsasagawa na kami ng imbestigasyon,” ani Yang.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?