3,648

By

7 feet ang taas! Bulbul mananalasa

Marami ang naghahanda sa hagupit ng ‘Bulbul’ na nakatakdang tumama nitong Sabado ng gabi.

Inaasahan na seven feet ang magiging taas ng storm surge ng nasabing bagyo sa Bangladesh.

Ilang mga sea port kabilang ang sa Mongla at Chittagong ang naka-high alert status na.

Inaasahan na magla-landfall ang nasabing bagyo sa Sundarbans, na jsa sa pinakamalaking mangrove forest at pinamumugaran ng mga Bengal tiger.

Nasa 120 kilometers per hour ang lakas ng hangin na dulot ng bagyong Bulbul, habang aabot ang pagbugso sa 150 kilometers per hour.

Dahil sa lakas ng bagyo, pinalikas na ang nasa 100,000 katao na mga nakatira sa coastal area dahil sa panganib ng storm surge.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?