337
6M Pinoy mabibiyayaan ng National ID sa Setyembre
Mar 13, 2019 @ 17:32
By

6M Pinoy mabibiyayaan ng National ID sa Setyembre

Nasa anim na milyong Filipino ang magkakaroon na ng national identification cards sa ilalabas na unang batch nito ngayong Setyembre.

Ito ang tinuran ng Philippine Statistics Authority (PSA) sa isinagawang pagdinig ng House Oversight Committee on Population and Family Relations sa Dumaguete City, Negros Occidental.

Handa na umano ang ahensiya na magsagawa ng unang batch ng pagpaparehistro para sa National ID.

“I am happy that it’s all systems go for the National ID system based on the timeline they have presented to us this morning,” ani House Speaker Gloria Arroyo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?