38,892

By

699 tabatsoy na pulis sa Zamboanga nanganganib masibak

Nanganganib matanggal ang may 699 tauhan ng Police Regional Office 9 (Zamboanga Peninsula) kapag nabigong sumunod sa intervention program para sa mga “obese policeman” o iyong sobra sa timbang na mga parak.

Ayon kay Brig. Gen. Froilan Quidilla, PRO-9 director, sa PNA report, ni-recall na niya ang mga matatabang pulis sa kani-kanilang mother unit para mag-report sa regional headquarters simula Huwebes para sa body mass index (BMI) evaluation.

Ang BMI evaluation ay bahagi ng internal cleansing program ng Philippine National Police.

Sa ilalim nito, ang mga pulis na underweight o kulang sa timbang ay inirerekomendang mag-gain ng timbang ng isang kilo hanggang tatlong kilo kada isang buwan hanggang sa matamo ang kanilang ideal weight.

Ang mga obese policeman naman ay pinagbabawas ng timbang ng dalawang kilo kada buwan.

Nakatalaga ang mga pulis na nasuri na sobra sa timbang sa Isabela City Police Station, Zamboanga del Norte Police Provincial Office, Zamboanga del Sur Police Provincial Office, Zamboanga City Police Office, Zamboanga Sibugay Police Provincial Office at Regional Mobile Force Battalion 9.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?