22

Jun 30, 2020 @ 16:58
By

69 tauhan ng Cebu City Hall tinamaan ng coronavirus

Umabot sa 69 ang bilang ng mga empleyado ng Cebu City Hall na nagpositibo sa COVID-19.

Ayon kay Cebu City spokesperson Rey Gealon, nasa 12 city health personnel, 19 ambulance service, at 36 barangay health workers ang mga tinamaan ng virus at nasa ilalim na ng quarantine.

Sa nasabing bilang, apat naman ang nasawi na sina Sanitary Inspector Crisanto Ampier, Engineer Danilo Gabiana ng Department of Public Services (DPS), barangay health worker Mamilie Garcia, at Konsehal Antonio Cuenco.

Ngunit kahit pa madami ang nagpositibo sa city hall, patuloy pa rin itong nakabukas.

Siniguro ni Gealon na ligtas na saloob ng city hall dahil sa mga nakakalat na disinfectant at regular na pag-disinfect ng gusali.

Naglagay din ng mga disinfection tent sa bawat entrance ng city hall para sa mga papasok dito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?