40

By

664 PDEA officers negatibo sa drug test

Negatibo sa iligal na droga ang may 664 na empleyado ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na sumailalim sa drug test na isinagawa sa national headquarters ng ahensiya sa Quezon City noong Agosto 22.

“The surprise mandatory drug test is done once to twice a year, or even more, when there is reasonable suspicion of drug use by PDEA personnel. This is the second mandatory drug test for calendar year 2019. The first was done on January 18, 2019,” ani Aquino.

Ang sorpresang drug test ay pinangunahan ni Aquino katuwang si Director III Irish C Calaguas, Acting Deputy Director General for Administration at Chief of Staff at pinangasiwaan ng PDEA Laboratory Service na pinamumunuan ni Director III Derrick Arnold Carreon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?