90

By

60 bahay natupok sa Davao City

Naabo ang may 60 bahay sa naganap na sunog malapit sa Bankerohan Public Market sa Davao City nitong Miyerkoles, Enero 15.

Ayon sa ulat, nagsimula ang sunog pasado alas-11:00 ng umaga sa Purok 2 ng Bankerohan Riverside.

Nagmula umano ang apoy sa isang bahay kung saan sumabog ang electric fuse box.

Agad kumalat ang apoy dahil sa malakas na hangin.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?