40

By

6-Stag Big Event ni Tiqui ng Bulacan

Magpapang-abot ang mga bigtime cocker ng Metro Manila at Central Luzon sa Miggy Big Event 6-Stag Derby sa Pasay City Cockpit sa Biyernes, Nobyembre 8.

Host rito si Michael Tiqui ng Bulacan, kilala rin sa kanyang Miggy entry sa World Slasher Cup at World Pitmasters Cup, at mga susupertahan ng Sagupaan Superfeeds at Complexor 3000.

Kasali rin ang mga bigating sabungero ng Pampanga, Bulacan, Nueva Ecija, Tarlac, Pangasinan, Bataan at Zambales.

Patok din sa Pasay Cockpit ang “Encuentro Big Event 6 -Stag Derby” bukas, Huwebes, Nov. 7 umpisa alas diyes ng umaga.

Rambulan din ang walong corporate team na Sagupaan, Experto, Black Rooster, Thor, Kai -Chon, King Slasher, Mad Science at Legend na may 48 entries kaya plantsado na ang 144 sultada.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?