592
ABANTE TNT militar patay 6 biff
Jun 25, 2018 @ 20:46
By

6 pulis patay, 9 sugatan sa ‘misencounter’ sa Samar

Nasawi ang anim na pulis habang siyam ang sugatan matapos ang misencounter sa pagitan ng mga pulis at militar sa Sitio Lunoy, Barangay San Roque, Sta. Rita, Samar.

Sa report na nakarating sa Camp Crame, alas-9:20 ng gabi nagsasagawa ng patrol operation ang 1st Platoon, 805th Company sa pamumuno ni Police Chief Insp. Don Arhie Suspeñe sa Sitio Canunay, Brgy. Rosal nang pagbabarilin sila ng mga armadong grupo kaya gumanti rin sila ng putok.

Nagtagal muna ng 20-minuto ang palitan ng putok bago natukoy na mga miyembro pala ng Charlie Company 87th IB ng Philippine Army sa pamumuno ni 1Lt. Orlando Casipit Jr., na binubuo ng 16 enlisted personnel ang nagpaputok sa mga pulis na nagpapatrolya.

Kinilala ang mga nasawi na sina PO1 Wyndell Noromor, PO1 Edwin Ebrado, PO1 Phil Rey Mendigo, PO1 Julius Suarez, PO1 Rowell Reyes at PO1 Julie Escalo.

Habang sugatan sina PO1 Cris Angelo Pialogo, PO1 Romulo Cordero, PO1 Joenel Gonzaga, PO1 Rey Barbosa, PO1 Roden Goden, PO1 Jaime Galoy, PO1 Romel Bagunas, PO1 Janmark Adones at PO1 Elmer Pan.

Sa kasalukuyan, bumuo na ng Special Task Force ang PNP para tutukan ang imbestigasyon sa nangyaring misencounter.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?