115

By

6 patay sa aksidente sa NLEX

Dead on the spot umano ang anim na sakay ng van na naaksidente sa North Luzon Expressway (NLEX) matapos sumabog ang gulong nitong Sabado.

Batay ito sa update ni Toll Regulatory Board Spokesperson Alberto Suansing sa inisyal na ulat ng pamunuan ng NLEX na 10 katao ang nasugatan nang sumalpok ang Hyundai H100 van sa trak sa northbound section ng Candaba Viaduct dakong alas-12:18 ng hapon.

“Ang latest report, anim ang patay. Lahat ‘yun pasahero ng van. Dead on the spot,” ani Suansing sa Inquirer report.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?