29

By

6 na bebot, kalaboso sa ‘pares-pares’

Hinuli ng mga operatiba ang anim na kababaihan habang nasa aktong naglalaro ng illegal card game sa Barangay Inirangan, Bayambang, Pangasinan noong Miyerkules ng hapon.

Kinilala ni Pangasinan Police Provincial Office (PPPO) director P/Col. Redrico Maranan angmga suspek na sina Winnie A. Castillo; Karen C. Agustin; Abigail G. Agustin; Lorna T. Agustin; Maribel A. Agustin; Marites F. Agustin; Katrina B. Ferrer; and Mylene Pahimolin, lahat nakatira sa nasabing barangay.

Ayon kay Maranan, sa report ng Bayambang Police Station (BPS), naganap ang pag-aresto sa mga suspek bandang alas-4:00 ng hapon sa Barangay Inirangan.

Sinabi ng BPS, may tumawag ng telepono sa kanilang opisina at sinabing may grupo ng mga babae na nasusugal ng baraha na “pares-pares”.

Dito, nagsagawa ang BPS anti-illegal unit ng pagsalakay at dinamba ang mga suspek habang nasa aktong naglalaro ng pares-pares.

Dinala sa BPS ang mga suspek pati ang perang ginamit sa illegal na sugal.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?