33

By

6 health workers patay sa coronavirus, 1,700 pa infected

Umakyat na sa 1,716 healthcare workers ang infected ng novel coronavirus sa China nitong Pebrero 14.

Ayon sa National Health Commission ng China, anim sa mga ito ang pumanaw na.

Halos 90% ng medics na positibo sa coronavirus ay nagmula sa Hubei province, na siyang pinagmulan ng virus.

Sinasabing ang pagtaas ng bilang ng infected na mga healthcare worker ay dahil sa kakulangan ng protective gear para sa kanila.

Na-highlight ang kinakaharap na panganib ng mga medical staff sa pagsugpo ng virus nang mamatay ang whistleblowing doctor na nagbunyag sa bagong virus na si Li Wenliang noong Pebrero 7.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?