30

By

6 gold sasagwanin ng paddlers – Len

Nasa 1,000-meter at 200m mixed standard boat events ang lakas ng Pilipino paddlers kaya tinatayang tatlo-anim na medalyang ginto ang kanilang masasagwan sa 30th Southeast Asian Games 2019 sa bansa sa Nobyembre 30-Disyembre 11.

“We are eyeing to win at least tatlo hanggang anim na gold medals,” saad ni national canoe, kayak, dragonboat head coach Leonora ‘Len’ Escollante.

Sasabak ang team Philippines sa Maalawan Park sa Olongapo City.

Kompiyansa rin si Escollante na sisikwatin din ng mga pambato ni Philippine Canoe Kayak Dragon Boat Federation President Jonne Go, ang gold sa 500-meter men’s four-seater event. Nasabi niya ito dahil pinagbasehan ang preparsyon ng mga mananagwan sa mga nakaraang buwan kung saan lumahok pa sila sa mga bigating kompetisyon.

“The World Cup came at least a month before the SEA Games,” hayag ni Escollante. “ At least nakita namin kung hanggang saan umabot ‘yung preparation namin and what are the areas we need to improve on as we head to the Southeast Asian Games.”

Isa sa magiging bentahe ng Pilipinas ay dito ang bakbakan.

“The SEA Games will be held in the country. We have an advantage over the climate, we want to come up with a good finish and make the country proud,” panapos na sambit ni Escollante.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?