62

By

6/49 lotto jackpot nadale ng taga-CDO

Nasungkit ng taga-Cagayan de Oro City ang P15M Super Lotto 6/49 jackpot sa naganap na raffle draw, Huwebes ng gabi.

Ayon sa pamunuan ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), nadale ng nag-iisang mananaya ang winning combination 17-29-43-44-08-28 na may jackpot prize na P15,840,000.

Ang tiket ay nabili sa isang lotto outlet sa loob ng NHA Kauswagan village, sa Cagayan de Oro.

Samanta, mayroong siyam na mananaya ang nakadale ng limang winning combination at nanalo ng tig-P65,680.

Ang Super Lotto 6/49 ay binobola tuwing Martes, Huwebes at Linggo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?