40
55 OFWs mula Jordan, balik-Pilipinas na
By

55 OFWs mula Jordan, balik-Pilipinas na

Nakabalik na ng bansa ang 55 distressed overseas Filipino workers (OFWs) na nagmula sa Jordan nitong Sabado.

Ayon sa report sa dzbb, lumapag sa NAIA Terminal 1 via Etihad Airlines Flight EY424 ang mga OFW ng alas-3:23 ng hapon.

Sumailalim sila sa amnesty program ng gobyerno ng Jordan matapos magkaproblema sa kanilang mga dokumento.

Tiniyak naman ng Overseas Workers Welfare Administration na aayudahan ang mga umuwing OFW.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?